^

Police Metro

Rapist na faith healer, huli

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ang umano’y isang faith healer nang gahasain nito ang isang 23-anyos na nagpapagamot ng sakit sa balat sa bayan ng Imelda, Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang suspek na si Jesus Bauro Jr., residente ng Brgy, Little, Baguio ng nasabing bayan ay inaresto dakong alas 10 ng umaga sa bahay nito dahil sa isinampang reklamo sa kanya ng biktimang itinago sa pangalang Jellie.

Ayon sa biktima, naganap ang unang panghahalay sa kanya noong Setyembre 2, sa kanilang bahay sa Brgy. Poblacion, kung saan kasalukuyang hinihilot ng suspek ng langis ang katawan ng una.

Pinaghubad umano siya ng suspek at saka biglang isi­nara nito ang pintuan at mabilis na hinalay. Ikinatuwiran ng suspek na bahagi ng orasyon ang panghahalay nito.

Hindi umano nakuhang lumaban ng biktima dahil na rin sa bigla siyang nahilo dahil sa ipinainom na langis sa kanya ng suspek.

Napilitan namang magsuplong sa pulisya ang dalaga kamakalawa dahil sa may panibago umanong ‘healing session’ na isasagawa ang suspek sa dalaga na muli nitong minolestiya.

Nagsisigaw naman sa paghingi ng tulong ang dalaga at dito na pumasok ang nakaposteng mga operatiba ng pulisya na agad inaresto at pinosasan ang suspek.

vuukle comment

AYON

BRGY

DINAKIP

IKINATUWIRAN

IMELDA

JELLIE

JESUS BAURO JR.

SUSPEK

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with