^

Police Metro

Pangulo ng homeowners association todas sa tandem

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na pa­ngulo ng homeowners association ang pinagbabaril ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Ereneo Constanti, 55, residente ng Doña Ana St., Brgy. 175, ng naturang lungsod. 

Batay sa ulat, pasado alas-11:00 ng umaga nang huminto sa harapan ng vulcanizing shop na pag-aari ng biktima ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo na unang inakala  na magpapaayos ng gulong.

Bigla na lamang bumunot ng kalibre .45 baril ang nakaangkas at pinaputukan ang biktima saka mabilis na tumakas.

Ang biktima na pa­ngulo ng Barangay 175 Homeowners Association ay pangulo din ng Samahan ng mga Bikolano sa kanilang lugar.

Patuloy ang imbes­tigasyon kung may kinalaman ang pagpatay sa biktima sa kan­yang posisyon sa kanilang lugar.

 

vuukle comment

ANA ST.

BATAY

BIGLA

BIKOLANO

BRGY

CALOOCAN CITY

ERENEO CONSTANTI

HOMEOWNERS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with