^

Police Metro

Janet at Gigi magkakosa na

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa kinasasadlakang selda sa Fort Sto. Domingo sa Laguna ay nagpalabas ng utos kahapon ang Sandiganbayan 3rd Division na ilipat na si Janet Lim Napoles sa female dorm sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Kaya’t makakasama na ni Napoles si Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na kapwa akusado sa plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Ang kautusan ng graft court  kay Napoles ay bilang tugon sa request ng prosekusyon mula sa tanggapan ng Ombudsman na ang isang indibidwal na may kasong plunder ay nararapat na makulong sa isang regular na piitan.

Ibinasura ng graft court ang kahilingan ng kampo ni Napoles na huwag ilipat sa isang regular na kulungan dahilan sa ito umano ay banta sa kanyang buhay.

Niliwanag ng prosekusyon na ang isang indibidwal na may kasong kriminal ay dapat na nasa kustodya ng BJMP at hindi ng PNP.

Nang matanggap ang commitment order ng Sandiganbayan ay agad namang tinupad ng mga BJMP personnel  ang naturang kautusan laban kay Napoles.

Si Napoles ay nakulong sa Fort Sto. Domingo sa Laguna mula  September 2013 makaraang sumuko sa Malakanyang noong August 2013 makaraang makasuhan ng serious illegal detention ng pangunahing pork barrel scam whistleblower na si  Benhur Luy.

vuukle comment

BENHUR LUY

CAMP BAGONG DIWA

DOMINGO

FORT STO

GIGI REYES

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

SANDIGANBAYAN

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

SI NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with