^

Police Metro

Misis nakipag-date sa iba, sinaksak ng mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang misis nang ito ay saksakin ng kanyang mister matapos na nabalitaan na iniwan nito ang kanilang limang anak para makipag-date sa isang lalaki sa isang piyesta kamakalawa sa Brgy. Dahican, Carrascal, Surigao del Sur.

Ang biktima na nilalapatan ng lunas sa Madrid District Hospital sanhi ng tinamong saksak sa kanang ng kaniyang dibdib ay kinilalang si Marie Buo Ruperes.

Nadakip agad ang mister nitong si Redante Ruperes, 37, matapos makorner ng mga otoridad.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente sa gymnasium ng Brgy. Dahican, Carasscal ng dakong ala-1:30 ng madaling araw ay namiyesta ang biktima kasama ang isang lalaki na hinihinalang kalaguyo nito.

Nabalitaan naman ito ng mister nang dumating ito sa bahay at iniwan ang lima nilang paslit na anak na ikinagalit nito.

Galit na sumugod sa piyestahan ng barangay ang nasabing mister at sinugod ng saksak ang ang misis na tinamaan sa kaniyang dibdib.

 

vuukle comment

BRGY

CARASSCAL

CARRASCAL

DAHICAN

GALIT

MADRID DISTRICT HOSPITAL

MARIE BUO RUPERES

NABALITAAN

NADAKIP

REDANTE RUPERES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with