^

Police Metro

Pulis inutas sa motel

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis ang natagpuang patay sa isang lodging house matapos na hambalusin ang ulo ng matigas na bagay kamakalawa sa bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Sr. Inspector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang nasawing biktima na si PO2 Jonnel Ryan Diaz, 29, may-asawa, miyembro ng PNP-Buug Police Station.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa nasabing lodging house sa Brgy. Sta Cruz ng bayang ito.

Ang biktima ay nagtamo ng mga sugat sa ulo mula sa matigas na bagay na pinaniniwalaang kahoy o tubo na siyang dagliang kumitil sa buhay nito.

Ayon sa pulisya, bago nadiskubre ang krimen ay isang 15 anyos na binatilyo na itinago sa pangalang Johnny ang inaresto ng mga operatiba ng Imelda Police Station matapos makuha sa pag-iingat nito ang isang Honda XRM motorcycle, isang 9 MM pistol at ang kulay itim na bag na pag-aari ng biktima.

vuukle comment

AYON

BRGY

BUUG POLICE STATION

DIPLAHAN

IMELDA POLICE STATION

JONNEL RYAN DIAZ

POLICE REGIONAL OFFICE

SR. INSPECTOR JOSEPH ORTEGA

STA CRUZ

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with