^

Police Metro

Seaman huli: ‘sinisid’ ang menor-de-edad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huli ang isang seaman matapos na  ireklamo ng  panggagahasa ng  isang menor-de-edad na kanya umanong ‘sinisid’ sa isang  hotel sa   Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni  Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) chief, Chief Insp. Bernabe Irinco,  Jr.  ang suspek na si Roderick Padilio, 42, tubong Kabangkalan, Negros Occidental.

Ayon sa biktimang si  Nora, 17, ni-rape umano siya ng suspek noong Marso 12 sa isang Hotel sa Sta. Cruz, Maynila nang  pumayag  siyang makipagkita sa  suspek   dahil may papipirmahan umano ito sa kanya na dokumento para sa ATM.

Nagulat na lamang ang biktima nang pumasok sila sa nasabing hotel. Sa kabila ng kanyang panlalaban ay naisagawa ng suspek  ang   panggagahasa kung saan inirekord pa  ito ng suspek sa kanyang  laptop.

Sinabi ni Nora kay PO3 Christian Balais, matapos ang ilang araw ay muling nagtext sa kanya ang  suspek at sinabihang makipagkita sa kanya na binalewala naman ng biktima. Pero natakot ang  biktima nang  i-text siya ng  suspek ng ‘pag di ka nakipagkita sa akin baka i-post ko na to sa mga  Facebook at mga  friends mo’.

Nakipagkasundo ang  biktima na makipagkita  sa suspek kahapon sa isang mall sa tapat ng  city hall kung saan humingi naman ng tulong sa MASA.

Agad namang umaksiyon ang  mga operatiba ng  MASA sa pangunguna ni Sr. Insp. Ness Vargas, PO1 Abdul Jabbar Alonto, PO1 Jake Balberde, PO2 Christopher Silva, PO2 Norman Manalansan, SPO1 Joel Aquino at SPO1  Nicanor Zablan III at inaresto ang seaman.

 

vuukle comment

ABDUL JABBAR ALONTO

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CHRISTIAN BALAIS

CHRISTOPHER SILVA

CRUZ

JAKE BALBERDE

JOEL AQUINO

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with