^

Police Metro

Magkapatid na joggers, sugatan sa hit and run

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sugatan ang magkapatid na joggers matapos na mahagip ng isang kotseng mabilis ang takbo habang nagdi-jogging sa Mandaluyong Bridge kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa naturang lugar, habang nagdi-jogging ang magkapatid na sina Vincent Simon at Catherine May Tan.

Ayon kay SPO1 Richard Bumacas, nais sanang mag-overtake ng rumaragasang kulay gold na Honda Civic sa isang tricycle pero hindi kinaya ng kotse na malampasan ang tricycle kaya’t nahagip ang magkapatid na noon ay nagdi-jogging.

Nag-collapse si Vincent Simon habang nahulog naman sa tulay si Catherine May dahil sa insidente.

Isinugod sila ng mga saksi sa Mandaluyong Medical Center kung saan sila ginagamot sa kasalukuyan dahil sa kanilang sugat na tinamo.

Nagawa naman ng saksing si Owen Pueda na makuha ang plate number ng kotse na UUE 233, at pinaghahanap na ito ngayon ng mga awtoridad.

 

vuukle comment

AYON

CATHERINE MAY

CATHERINE MAY TAN

HONDA CIVIC

ISINUGOD

MANDALUYONG BRIDGE

MANDALUYONG MEDICAL CENTER

OWEN PUEDA

RICHARD BUMACAS

VINCENT SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with