^

Police Metro

6 drug pushers natimbog

Randy V. Datu - Pang-masa

SUBIC, Zambales, Philippines -Anim na pinaghihinalaang drug pushers ang naaresto ng pulisya sa  magkakahiwalay na drug operation sa tatlong barangay sa bayang ito kamakalawa.

Sa ulat ni Chief Ins­pector Oriano Mina, hepe ng Subic PNP, naunang nasakote sa Barangay Cawag sina Ricardo Catalonia, 29, ng Barangay Matain, Subic; Baby Dabon, 51, ng Riverside, Barangay Lipay, Sta Cruz; at Edwin Sabinda, 32, residente ng Purok 7, Barangay Del Pilar, Castillejos. 

Nadakip ang mga suspek sa aktong nagbebenta ng isang plastic ng shabu sa isang police asset sa halagang P500.

Nakuha sa pag-ii­ngat ng mga suspek ang marked money, 11 plastic sachet ng shabu, isang .9 mm pistol na may walong bala at isang Toyota Vios (TOM- 399) na umano’y ginagamit ng mga suspek sa pag-deliver ng droga.
Sa Barangay Asinan Proper, ang mga naa­restong suspek ay sina Melvin Ellano, 25, ng No.127 Murphy St., Barangay New Kalalaki; at Florencio Miclat, 50, residente ng No. 1418 Tabacuhan, Barangay Sta Rita, pawang sa Olongapo City at nakuha sa pag-iingat ang may 23 plastic sachet ng shabu, marked money at isang Toyota Vios na walang plaka na ginagamit sa illegal na operasyon. 
Ang pinakahuli na suspek ay Jason Bhorg, 30, ng No. 39 Gordon St., Barangay New Banicain, Olongapo City habang nagbebenta rin ng shabu sa isang poseur buyer.

vuukle comment

BABY DABON

BARANGAY

BARANGAY CAWAG

BARANGAY DEL PILAR

BARANGAY LIPAY

BARANGAY MATAIN

BARANGAY NEW BANICAIN

BARANGAY NEW KALALAKI

OLONGAPO CITY

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with