^

Police Metro

Maid na tulala nasagasaan ng tren habang tumatawid

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila malalim ang iniisip at tulala ang isang 37-anyos na housemaid nang ito ay tumatawid sa riles kung kaya’t hindi napansin ang pagdating ng tren at nasagasaan ito at nakaladkad ng ilang metro kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Doneza de Guzman, tubong Bicol at stay-in sa bahay ng isang Elvira Dimasacay sa no. 1946 M. Aurelio St., Sta. Mesa, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente dakong alas-9:30 ng umaga sa riles ng Phi­lippine National Railways (PNR) malapit sa PNR-Sta Mesa Station ay inutusan ang biktima ng kanyang amo na mamalengke.

Una itong bumili ng bigas sa EM Pascual Rice Store at iniwan muna ang nabi­ling bigas dahil may bibilhin pa ito sa talipapa sa kabilang kalsada.

Habang tumatawid ay hindi umano nito narinig ang pagdating ng tren (MSCE 937) na patu­ngong Alabang na pinatatakbo ng ope­rator na isang G. Cruz at nahagip ito.

 

vuukle comment

ALABANG

AURELIO ST.

BICOL

CRUZ

ELVIRA DIMASACAY

MAYNILA

NATIONAL RAILWAYS

PASCUAL RICE STORE

STA MESA STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with