^

Police Metro

2 Beauty queen at 2 kasama hinoldap ng tandem

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang beauty queen at dalawang kasama ang hinoldap ng riding-in-tandem sa harap ng isang Chinese restaurant sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi ay nakatayo sa harap ng hindi na pinangalanan na restaurant sa N. Domingo St., ang mga biktimang sina reigning Miss Philippines Earth na si Angelee Delos Reyes, ang kanyang boyfriend na si Yussef Esteves, Miss Philippines Fire Alma Cabasal at isa pa, nang bigla na lang silang lapitan ng mga suspek na armado ng mga baril. Binalak pa sanang manlaban ni Yussef pero nagdalawang-isip ito at nangamba sa seguridad nilang magkakaibigan dahil armado ng baril ang mga suspek, kaya’t hindi na nito itinuloy ang plano.

Natangay ng mga suspek mula sa mga biktima ang bag na may dalawang cellphone, pera at susi sa condo ng mga biktima.

Sinabi ng magkakaibigan na mimanmanan sila ng mga suspek dahil bago pa ang panghuholdap sa kanila ay una na nilang napansin na dumaan sa kanilang harapan ang isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka.

Maya-maya ay bumalik ang mga suspek at saka isinagawa ang panghuholdap.

 

vuukle comment

ANGELEE DELOS REYES

BINALAK

DALAWANG

DOMINGO ST.

MISS PHILIPPINES EARTH

MISS PHILIPPINES FIRE ALMA CABASAL

NABATID

SAN JUAN CITY

YUSSEF ESTEVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with