^

Police Metro

Mag-asawang bisor ng iskul dinukot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinarang ng walong kalalakihan ang sasak­yan ng isang mag-asawa na kapwa supervisor ng isang elementary school at pagkatapos ay dinukot sila ng mga ito na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Diplo, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Ang  mag-asawa ay kinilalang sina Rudy at Tessie Luna; pawang supervisor sa Kumalarang Central Elementary School sa nasabing bayan.

Batay sa ulat ng Zamboanga del Sur Police, dakong alas-8:00 ng gabi ay sakay ang mag-asawa ng kanilang Toyota Fortuner at binabaybay ang bisinidad ng  Brgy. Diplo nang harangin sila ng mga suspek na matagal nang nakaantabay sa lugar.

Tinutukan ng baril ang mag-asawa ng mga suspek na sumampa sa kanilang sasakyan at kinomander ito patungo sa direksyon ng Sitio Dacun, Brgy. Picanan, Kumalaran ng lalawigan.

Habang inihahanda ng mga suspek ang pumpboat na pagsasakyan sa mag-asawa ay nagawang makatakas ni Tessie, pero naiwan ang mister nito na tinangay ng mga kidnapper  sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober ng nag­respondeng mga pulis ang behikulo ng mag-asawa sa tabing aplaya ng naturang barangay.

vuukle comment

ASAWA

BRGY

DIPLO

KUMALARANG CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

SITIO DACUN

SUR POLICE

TESSIE LUNA

TOYOTA FORTUNER

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with