^

Police Metro

UST scholar natagpuang patay sa dormitoryo

Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang magna cum laude at iskolar na medical student ng University of Sto. Tomas (UST) ang natagpuang patay sa kanyang dormitoryo sa University Belt sa Maynila.

Nasa state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Kelvin Teodoro Descutido, 21, binata, tubong Talim Island, Binangonan, Rizal at nanunuluyan sa no. 1247 Rosarito St., Sampaloc, Maynila at kasalukuyang  2nd year post graduate sa
Doctor of Medicine ng UST.

Sa ulat, dakong alas 2:30 ng hapon noong Martes  nang madiskubre ang bangkay ng biktima.

Ayon kay Mark Vincent Dimayacyac, 21 medicine student, naisipan niyang puntahan sa dormitory ang biktima dahil nagtataka ito sa hindi nito pagpasok ng dalawang araw, gayung masipag umano ito sa pag-aaral.

Dahil na rin sa napapansin ng mga katabing kuwarto ang masangsang na amoy mula sa kuwarto ay sumama pa ang caretaker na si Elisa Mahusay, 37 na humingi ng tulong sa barangay.

Puwersahang binuksan ang kuwarto ng biktima at dito ay tumambad ang wala nang buhay na si Descutido na kung saan ay walang nakitang sugat o indikasyon na pinahirapan ito.

vuukle comment

AYON

DOCTOR OF MEDICINE

ELISA MAHUSAY

KELVIN TEODORO DESCUTIDO

MARK VINCENT DIMAYACYAC

MAYNILA

ROSARITO ST.

TALIM ISLAND

UNIVERSITY BELT

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with