^

Police Metro

Pinay nahulihan ng 3 kilo ng droga sa Malaysia

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Pinay sa Malaysia ang nahulihan ng 3 kilo ng droga, base sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Hindi muna pina­ngalanan ang Pinay na unang nagtrabaho bilang overseas Filipino worker sa Macau at tumungo sa Malaysia sa paanyaya ng isang kaibigan kung saan dito siya nahulihan ng Malaysian authorities ng illegal drugs.

Nakatakdang dumulog sa DFA ang mga kaanak ng nasabing Pinay upang mabigyan ng kaukulang tulong o legal assistance.

Unang umapela ng tulong si Annalyn Cañete, nakatatandang kapatid ng nasabing OFW sa radio DZMM, dahil sa umano’y pagkaka-aresto sa kanyang kapatid pagdating nito sa Malaysia.

Hihilingin ng pamil­ya ng Pinay na mabigyan ito ng abogado upang maipagtanggol ang sarili matapos na igiit na-setup lamang ang pagkakaaresto dito.

Nakatakdang sentensyahan ang Pinay sa Biyernes.

vuukle comment

ANNALYN

BIYERNES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HIHILINGIN

ISANG PINAY

MACAU

NAKATAKDANG

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with