^

Police Metro

Ex-vice mayor binaril sa ulo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dating vice mayor ang nasa kritikal na kondisyon matapos  na pagbabarilin ng dalawang lalaki na naka-motor kahapon ng umaga sa Bauan, Batangas.

Ang biktima ay kinilalang si Julio Magboo Cruz na dating bise alkalde sa Bauan, 72 at naninirahan sa Brgy. Baguilawa sa bayang ito.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay lulan ang biktima ng kanyang Toyota Revo (WLU-999) ng binabagtas ang kahabaan ng highway ng Brgy. Manghinao  patungong munisipyo nang biglang sumulpot ang mga suspek at  pinagbabaril ng backrider ang biktima.

Nagtamo ng  mga tama ng bala sa likurang bahagi ng kaniyang ulo ang biktima at mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

BAGUILAWA

BATANGAS

BAUAN

BIKTIMA

BRGY

ISANG

JULIO MAGBOO CRUZ

MANGHINAO

NAGTAMO

TOYOTA REVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with