^

Police Metro

Naaagnas na bangkay ng tinedyer natagpuan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaagnas na ang bang­kay ng isang 15-an­yos na binatilyo nang matagpuan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Lumbocan, Butuan City matapos na mawala ng 12 araw.

Positibong kinilala ng ina nitong si Esther Macapili ang bangkay ng biktima  na si Jason Evander Macapili na natagpuan kamakalawa bandang alas-9:00 ng umaga sa madamong bahagi ng Purok 2, Brgy. Lumbocan ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay may malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pahayag ni Esther sa pulisya, ang anak niya ay umalis sa kanilang bahay noong Nobyembre 6 at mula noon ay hindi na nakabalik pa.

Huling nakitang kasama ng biktima ang isang Ariel Panganoron malapit sa Industrial Timber Corporation kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Nang puntahan ng mga otoridad ang bahay ng suspek ay wala na ito at sinabi ng mga kaanak na balisa ito at nagtungo sa Davao matapos ang insidente.

vuukle comment

ARIEL PANGANORON

BRGY

BUTUAN CITY

DAVAO

ESTHER MACAPILI

HULING

INDUSTRIAL TIMBER CORPORATION

JASON EVANDER MACAPILI

LUMBOCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with