^

Police Metro

Insan tinodas habang natutulog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtripang saksakin ng kanyang pinsan ang isang 25-anyos na lalaki habang natutulog sa loob ng kanilang kuwarto sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Pasig City General Hospital ay nakilalang si John Jonathan Dela Paz, ng 4th St., Acacia, Barangay Pinagbuhatan dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na isinuko ng kaanak ay nakilalang si Ronald Roxas, 19, factory worker, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat dakong alas-10:00 ng gabi nang pasukin ng suspek ang biktima na natutulog sa kuwarto at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak.

Duguang lumabas ang suspek at tinungo ng mga kaanak ang  kuwarto at nakitang duguan ang biktima kaya’t isinugod sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa kaanak na tila nakadroga ang suspek dahil sa ilang araw na itong hindi natutulog.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PINAGBUHATAN

BIKTIMA

DUGUANG

JOHN JONATHAN DELA PAZ

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PINAGTRIPANG

RONALD ROXAS

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with