^

Police Metro

2 tiklo sa holdap at rape

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na naaresto ng mga otoridad ang dalawang lalaki ilang minuto matapos na holdapin at gahasain ang isang dalaga kahapon ng madaling-araw sa Olongapo City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Rodney Bautista, 23, ng Abad Compound, Burgos St.; at Ronaldo Abad, 42, ng Rizal Extension, kapwa sa Barangay Barretto, lungsod na ito.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pa­ngalang Inday, 31, dakong alas-3:30 ng mada­ling-araw ay naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at tutukan ng baril at pwer­sahang pinasakay sa motor at dinala sa ilang na pook at ginahasa.
Matapos na gahasain ay iniwan ang biktima ng mga suspek na agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at agad na nadakip ang dalawang suspek sa magkahiwalay na lugar sa Gomez St. at Burgos St., sa naturang barangay.

Nabawi ng pulisya sa mga suspek ang shoulder bag ng biktima na nag­lalaman ng Black Berry cellphone, passport, silver necklace at sari-saring uri ng salapi.

Nakumpiska naman mula sa mga suspek ang isang paltik na kalibre .38 na may dalawang bala at ilang kagamitan sa paghitit ng shabu.

vuukle comment

ABAD COMPOUND

BARANGAY BARRETTO

BLACK BERRY

BURGOS ST.

GOMEZ ST.

OLONGAPO CITY

RIZAL EXTENSION

RODNEY BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with