^

Police Metro

Mga patay na pawikan nasamsam… 13 mangingisdang Vietnamese dinakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang 13 mangingisdang Vietnamese nang maaktuhan na illegal na nangi­ngisda sa karagatan ng Palawan at nang halungkatin ang bangka ay nahulihan ang mga ito ng “frozen sea turtle” kahapon.

Sa ulat, ang nasabing mga Vietnamese na hindi marunong magsalita ng Ingles ay naaresto ng mga operatiba ng PNP-Maritime Group sa karagatan ng Balabac, Palawan.

Ang nasabing mga Vietnamese ay illegal na pumasok sa teritoryo ng karagatan ng Pilipinas na nanghuli ng mga pawikan umpisa pa noong Oktubre 18, base na rin sa report ng mga mangingisdang Pinoy.

Ang mga patay na pawikan ay nakalagay sa freezer sa sinasakyan ng mga itong bangkang pangisda ng mahuli ng mga otoridad.

Alinsunod sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhang mangingisda sa teritoryo ng karagatang nasasakupan ng Pilipinas.

vuukle comment

ALINSUNOD

BALABAC

INARESTO

MARITIME GROUP

OKTUBRE

PALAWAN

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with