^

Police Metro

Chowking hinoldap

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinoldap ng dalawang armadong lalaki ang isang sangay ng Chow­king at natangay ang hindi pa mabatid na halaga ng kita nito na nakalagay sa vault sa Quezon City.

Sa ulat, alas-8:00 ng gabi nang pasukin ng mga suspek ang Chow­king na matatagpuan sa Quezon Avenue, corner Roces Brgy. Paligsahan.

Isa sa mga suspek ang umakto sa labas ng fast food na nagsilbing look out habang ang isa naman ang siyang pumasok sa loob at nagdeklara ng holdap gamit ang isang baril.

Tinutukan  ng baril ng suspek ang mga crew ng kainan, saka inutusan ang isang Anna Cubacub, assistant manager na buksan ang vault.

Nang makuha ang pakay ay inutusan pa nito ang crew na patayin ang CCTV camera, saka sumakay ng isang kulay puting taksi at tumakas.

vuukle comment

ANNA CUBACUB

HINOLDAP

ISA

NANG

PALIGSAHAN

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

ROCES BRGY

TINUTUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with