^

Police Metro

Driver dedo sa tandem

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng riding-in tandem, sa Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Tatlong tama ng bala ng 9mm na baril ang ti­namo ng di pa kilalangbiktima sa dibdib, likod at ulo, na tinatayang nasa edad 30 hanggang 40.

Sa ulat ni PO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 3:20 ng madaling araw kahapon, sa panulukan ng Holywood at Carrion Sts., sa Pandacan, Maynila.

Narekober ng awtoridad ang kulay itim na tricycle na ginamit ng bik­tima, ang suot nitong relos at dalang cell phone na gagamitin naman ng mga pulis para makaugnayan ang mga kamag-anak ng biktima.

Natagpuan ang naka­taob na bangkay ng biktima sa halos 15 metro mula sa tricycle na kanyang minamaneho na indikasyon na nagawa pa nitong tumakbo matapos pagbabarilin.

Palaisipan naman sa mga pulis kung bakit nagawi sa lugar ang tricycle ng biktima na naka-rehistro sa Mandaluyong City , batay sa plaka ng kanyang motorsiklo.

 

vuukle comment

CARRION STS

HOLYWOOD

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NAREKOBER

NATAGPUAN

PANDACAN

RODELIO LINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with