^

Police Metro

Naarestong suspek idinetalye ang pagpatay... Kae nagmakaawa sa kanyang buhay

Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghihingalo pa umano si Kris­telle “Kae” Da­vantes, 25, adverti­sing exe­cutive nang ito ay pagsasaksakin ng isa sa anim na suspek kahit sinakal at may busal habang nakatali ng seat belt.

Ito ang pag-amin ng naarestong suspek na si Samuel Decimo, 19, sa mga mamamahayag nang ito ay iprinisinta ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) ma­tapos na ma­a­resto kama­kalawa ng gabi sa Molino, Bacoor, Ca­vite.

Ayon kay Decimo na siya ang inatasan ng grupo na saksakin si Kae nang gumalaw ito habang itatapon nila sa tulay sa Barangay Sabutan, Silang, Cavite.

Inihayag din ni Deci­mo na nagmamakaawa si Kae, pero hindi nila ito pinakinggan ng kanyang mga kasama.

Dahil sa sobrang kaba at hindi sanay pumatay ay hindi niya naalala kung ilang ulit niya itong sinaksak sa leeg nang nagdesisyon ang kanyang mga kasama na tuluyan na itong patayin matapos na makita ang kanilang mukha at ang plaka ng kanilang sasakyan.

Ayon kay Decimo na ang motibo lamang ng ka­nilang grupo na holdapin si Kae nang makita nila itong mag-isa na nagmamaneho ng Toyota Altis, kaya sinundan nila ito, noong Setyembre 6 ng gabi.

Idinagdag pa ni Decimo, kinomander nila ang sasakyan ni Kae kaya nang pumasok ito sa Moonwalk Village ay muli ding lumabas na kasunod ang sasakyan ng mga suspek, na tugma naman sa nakita ng Task Force Kae Davantes sa security camera foo­ta­ge, kung saan isang sasakyan ang sinusundan ng isa pang kotse na pumasok sa Moonwalk Village, at sa pagitan ng ala-1:41 hanggang ala-1:51 ng madaling-araw ng Sabado (Set. 7).

Lima sa mga kasamahan ang sumakay sa kotse ni Davantes habang sinusundan naman niya dala ang kanilang get-away car hanggang sa umabot sila sa Silang, Ca­vite.

Sa kasalukuyan, ang ebidensiyang hawak ng NBI ay ang dalawang hibla ng buhok na natagpuan sa kotse ng biktima at dugo sa seatbelt mula sa isang lalaki.

Patuloy ang operas­yon ng mga NBI laban sa 5 pang suspek na nasa 19-anyos pa­taas at bantay sarado rin ng mga pulis ang bahay ng isa sa mga hinihinalang suspek na pinagdalhan ng sasakyan ni Kae na matatagpuan sa 37 Eme­rald St. Pamplona 3, Las Piñas City.

Ayon sa NBI, may da­lawang tipster ang nagpa­hayag sa kinalaman ni Decimo sa krimen dahil hindi na umano mapigilan ang konsensiya sa tuwing nakikita sa mga balita ang mukha ng biktima.

Umaasa naman ang pamilya ni Kae na mabi­bigyan na ng katarungan sa ginawang karudumal-dumal na pagpatay dito.

Bagama’t anya ay si­nabi ni Decimo na holdap lamang ang motibo, nani­niwala ang pamilya na may mas malalim pang motibo ang pagpatay kay Kae at umaasa ang pa­milya na hindi fall guy ang naarestong suspek.

Magugunita na umabot sa P2.5 milyon ang reward sa sinumang makakapagturo para sa ikakaaresto ng mga suspek.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY SABUTAN

BUREAU OF INVESTIGATION

DECIMO

KAE

MOONWALK VILLAGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with