^

Police Metro

Mag-asawang guro patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagbabaril hanggang sa napatay ang isang mag-asa­wang guro habang isa ang malubhang nasugatan sa naganap na ambush sa Brgy. Maloong Canal, Lamitan City, Basilan kamakalawa ng hapon.

Namatay noon din ang mag-asawang sina Rodolfo at Gloria Saavedra habang nasa kritikal na kalagayan ang kasamahan nilang guro na si Joy Cubico.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-2:30 ng hapon ay magkakaangkas sa motorsiklo ang mga biktima at pauwi na sa kanilang bahay sa Marketside, Isabela City mula sa kanilang pinagtuturuang eskwelahan.

Ayon kay Basilan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mario Dapilloza walang kamalay-malay ang mga biktima na sila ay sinundan ng tatlong suspek na magkakaangkas din sa motorsiklo.

Pagtapat ng mga suspek ay pinagbabaril ang mga biktima na humandusay sa kalye at bumaba din ang isa sa tatlong suspek at tinangay ang motorsiklo ng mga biktima.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng kri­men.

vuukle comment

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

GLORIA SAAVEDRA

ISABELA CITY

JOY CUBICO

LAMITAN CITY

MALOONG CANAL

MARIO DAPILLOZA

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with