^

Police Metro

Sa harap ng kanilang anak… Misis inutas, mister nag-suicide

Pang-masa

MANILA, Philippines - ‘Si Mama sinaksak ni Papa, tapos si Papa sinaksak sarili niya’.

Ito ang inihayag sa pulisya ng 11-anyos na anak na babae ng mag-asawang Philip at Joana Oruga na nakakita ng buong pangyayari sa naganap na krimen sa loob ng kanilang bahay sa Purok 2, Brgy., Bambang, Los Baños, Laguna kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay nari­nig ng mga kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa sa kanilang bahay sa Tesalona Apartment sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng isang saksi sa pulisya, nakita nitong duguang tumatakbong umiiyak papalabas ng kanilang apartment si Joana habang hinahabol at sinisigawan ng kanyang mister ng katagang
“Magtago ka na, magtago ka na”.

Ilang saglit pa, nakita na lang ng mga residente ng lugar na nakahandusay ang mag-asawa na kapwa may saksak ng patalim sa kanilang mga katawan.

Nadala pa sa ospital si Philip na security officer ng University of the Philippines-Los Baños, subalit namatay din ito habang ginagamot.

Habang ang misis nito na si Joana na dating nagtatrabaho sa UPLB bilang public relations officer bago lumipat sa Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research Deve­lopment-Department of Science and Technology ay idineklarang dead on arrival.

Ayon sa bata, sinaksak umano ng kanyang ama ang kanyang nanay hanggang saksakin nito ang kanyang sarili sa dibdib at narekober sa crime scene ang kutsil­yong ginamit ni Philip.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

JOANA

JOANA ORUGA

LOS BA

NATURAL RESOURCES RESEARCH DEVE

PHILIPPINE COUNCIL

SI MAMA

TESALONA APARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with