^

Police Metro

Driver tepok sa pukpok ng baril

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Matapos na hindi pu­mutok ang baril kung ka­ya’t ipinukpok na lang ng suspek sa ulo ang kaaway na tricycle driver na naganap kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Namatay noon din dahil sa pagkabasag ng bungo ang biktima na kinilalang si Mark Alcantara, 25, nakatira sa Barangay Longos ng lung­sod.

Ang suspek na agad na­huli ay nakilala namang si Jake Emaluga alias Numso, 36, ng Block 9, Hiwas St., ng nasabing ba­rangay.

Batay sa ulat, dakong alas-2:10 ng madaling-araw sa kahabaan ng Parros Alley ay nakatayo ang suspek nang dumating ang biktima  at tinutukan ng baril sa ulo at kinalabit, subalit hindi ito pumutok.

Kung kaya’t ipinukpok na lang nito ang baril sa ulo ng biktima hanggang sa na­basag ang bungo nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Naaresto ang suspek sa isinagawang  follow-up operation at lumalabas na inonse umano ng biktima ang benta sa droga kung kaya’t pinatay ito.

 

vuukle comment

BARANGAY LONGOS

BATAY

HIWAS ST.

JAKE EMALUGA

MALABON CITY

MARK ALCANTARA

MATAPOS

NAARESTO

PARROS ALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with