^

Police Metro

Naubusan ng pagkain… ina dinospordos ng anak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang hi­­nataw ng dos por dos ng isang anak ang sariling ina dahil lang sa naubusan ito ng pagkain na naganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek na inaresto at nakakulong na ngayon ay kinilalang si Cecilio Bautista, 45 ng Baltazar St., 6th Avenue ng lungsod at kinasuhan ng frustrated parricide.

Patuloy na inoobserba­han sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga palo ng kahoy sa ulo ang biktimang si Fely Bautista, 70.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang pamamalo dakong alas-11:00 ng gabi sa loob ng bahay nang umuwing gutom ang suspek mula sa maghapong pakikipagbarkada.

Nang pumunta sa kusina ang suspek ay nakita nito na walang pagkain.

Ikinagalit ito ng suspek at kinompronta ang ina sa pag-ubos ng pagkain na nauwi mainitang pagtatalo.

Kumuha ng patalim si Cecilio, subalit bago maisaksak ay naawat ng mga kapatid at nang madis-armahan ay lumalabas ito ng bahay.

Pagbalik ng suspek ay may dala na itong kahoy na dos por dos at walang habas na pinagpapalo ang walang kalaban-laban na nanay.

Ang biktima ay mabilis na dinala ng ibang anak sa naturang pagamutan habang dinakip ang suspek  ng mga rumespondeng mga barangay tanod at dinala sa presinto.

vuukle comment

BALTAZAR ST.

BATAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CECILIO

CECILIO BAUTISTA

FELY BAUTISTA

IKINAGALIT

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with