^

Police Metro

Opisyal ng MENRO, 1 pa dedo sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) at kasama nito ang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek habang nagmomotorsiklo papasok sa kanilang traba­ho kamakalawa sa highway ng Rosario, Agusan del Sur.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Camilo Castones, 43, may-asa­wa, MENRO officer at em­pleyado ng lokal na pa­mahalaan ng Rosario, Agusan del Sur at Joseph Camarillo, 18, tricycle driver at naninirahan naman sa Purok Bahi, Sta. Cruz, Rosario.

Batay sa ulat, bandang alas-8:30 ng umaga ay magkaangkas ang dala­wang biktima sa motorsiklo na minamaneho ni Camarillo patungo sa MENRO monitoring post at pagdating sa Purok Guava, Brgy. Sta. Cruz  nang  tambangan ng mga suspek.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Kabilang sa anggulong sinisilip ng mga otoridad sa kasong ito ay personal na alitan at may kinalaman sa trabaho kaugnay ng operasyon ng minahan sa bulubunduking bahagi sa Brgy. Sta. Cruz.

 

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BRGY

CAMARILLO

CAMILO CASTONES

CRUZ

JOSEPH CAMARILLO

MUNICIPAL ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICER

PUROK BAHI

PUROK GUAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with