^

Police Metro

Sa pagbibigay ng proteksyon sa shabu laboratory… colonel hinatulan ng habambuhay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng korte laban sa isang police colonel na napatunayang guilty sa pagbibigay proteksyon sa isang shabu laboratory sa Naguilian, La Union.

Ang akusado na hina­tulan ni Judge Ferdinand Fe ng Branch 67 ng Ba­uang, La Union Regional Trial Court ay nakilalang si P/Sr. Supt. Dionesio Borromeo. Bukod sa pagkakulong ng habambuhay ay pinagbabayad din ito ng korte ng P10 milyon danyos.

Pinatawan naman ng 12-20 taon pagkakulong ang kasabwat nitong si PO2 Joey Abang at P500,000.00 bayad pinsala sa kaso.

Ayon kay Fe matapos ang may isang taong paglilitis sa kaso ay ibinaba na niya ang hatol laban kay Abang na napatunayang guilty sa kaso at sa kabila ng pagtanggi ng opisyal sa akusasyon ay mabigat ang iniharap na ebidensya laban dito.

Itinuro rin ito ng caretaker na si Dante Palaganas, state witness ng DOJ na siya umanong madalas magtungo sa nasabing shabu laboratory na pinangangasiwaan ng mga Chinese drug dealers.

Si Borromeo ay itinuro ng mga testigo na siyang nagsisilbing protektor sa ni-raid na shabu laboratory ng mga otoridad noong 2008 na nakumpiskahan ng bultu-bulto ng mga droga, paraphernalia at mga kemikal sa paggamit ng shabu na aabot sa mil­yun-milyong halaga.

Nabatid na nakalaya si Borromeo matapos na magpiyansa ng P1M habang ang iba pang mga pulis na sina PO2 Walter Banan at PO1 Rodolfo Da­mian ay pinawalang sala naman ng korte bunga ng kawalan ng ebidensya.

Si Borromeo ay dating hepe ng Police Regional Mobile Group sa La Union nang masangkot sa nasabing illegal na aktibidades.

Kaugnay nito, iniha­yag pa ni Fe na nagpalabas na rin siya ng warrant-of -ar­rest laban kay Borromeo na nakatalaga bilang Deputy Provincial Director ng Cavite Provincial Police Office (PPO).

Sinabi naman ni CA­LA­BARZON Police Director Chief Supt. Benito Estipona na si Borromeo ay on leave simula pa noong Lunes at tinanggal na rin niya sa puwesto bunga ng hatol ng korte.

Bumuo na rin ang CA­LABARZON Police ng tracking team upang tugi­sin si Borromeo habang hinihintay pa ang warrant-of-arrest laban dito.

vuukle comment

BENITO ESTIPONA

BORROMEO

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

DANTE PALAGANAS

DEPUTY PROVINCIAL DIRECTOR

DIONESIO BORROMEO

LA UNION

SHY

SI BORROMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with