^

Police Metro

Bading inakalang informer itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 38-anyos na ba­ding na napagkamalang police informer laban sa mga drug pusher ang binaril kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Gilbert Sison, alyas “Ashley”,  ng no. 793 Int. 15 Ma. Guizon St. Tondo, Maynila dahil sa dalawang tama ng  kalibre .45  baril sa ulo.

Batay sa ulat, dakong alas-2:50 ng madaling-araw ay nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa lugar nang dumating ang isang lalaking may dalang baril at agad na binaril sa ulo ang biktima.

Nagtakbuhan ang mga kainuman ng biktima sa takot na sila ay barilin ng suspek na mabilis nawala sa kadiliman.

Batay sa pulisya, posible umanong napagkamalan ang biktima na nagbibigay ng impormas­yon kaugnay sa talamak na bentahan ng droga sa lugar na naging dahilan para maaresto ang hinihinalang nagtutulak ng droga sa bahagi ng Dagupan, sa Tondo.

 

vuukle comment

ASHLEY

BATAY

DAGUPAN

GILBERT SISON

GUIZON ST. TONDO

ISANG

MAYNILA

NAGTAKBUHAN

NAMATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with