^

Police Metro

Volunteer ng party-list sinuntok ng tauhan ng mayoralty bet sa Caloocan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang volunteer ng party-list na Akbayan ang sinuntok umano ng tauhan ni Caloocan City 1st District Congressman Oscar “Oca” Malapitan nang sitahin nito ang ginawang pagbabaklas ng mga tauhan ng kongresista ng kanilang poster sa naturang lungsod kamakalawa.

Ang biktima na nagpa-blotter at nagpaplanong magsampa ng reklamo laban sa kampo ni Malapitan ay nakilalang si Ryan Cinco, 23, volunteer ng party-list na Akbayan at residente ng Phase 6, Camarin, Caloocan City.

Sa salaysay ng biktima sa pagitan ng alas-10:30 hanggang alas-11:00 ng umaga sa kahabaan ng Kalamansian St., Barangay 177 ay kasalukuyan silang nagkakabit ng poster ng kanilang sinusuportahang party-list na Akbayan kasama ng kanyang ina na si Esterlita Cinco, 48 at kasamahang si Razy Labayno, 18 nang mapansin ng mga ito na binabaklas ng mga tauhan umano ni Malapitan ang kanilang idinikit na campaign paraphernalia.

Sinita ng biktima ang suspek ngunit sa halip na manghingi ng paumanhin ay nagalit pa ito at bigla na lamang sinuntok ang mukha ng una.

vuukle comment

AKBAYAN

CALOOCAN CITY

DISTRICT CONGRESSMAN OSCAR

ESTERLITA CINCO

ISANG

KALAMANSIAN ST.

MALAPITAN

RAZY LABAYNO

RYAN CINCO

SINITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with