^

Police Metro

Trike driver itinumba ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril habang nag­hi­hintay ng pasahero ang isang 28-anyos na tricycle driver ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo kamakala­wa ng hapon sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kini­lalang si Leonard Rey Gacutan, binata ng no. 79 San Diego St., Brgy. Commonwealth, sa lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon sa harap ng isang botika sa Villong­co kanto ng Steve St., ay nakatambay ang biktima nang ito ay lapitan ng dalawang suspek na may suot na kulay pulang hel­met sakay ng isang Honda wave motorcycle na walang plaka at pagba­barilin ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

BINARIL

BRGY

LEONARD REY GACUTAN

PATULOY

QUEZON CITY

SAN DIEGO ST.

SHY

STEVE ST.

VILLONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with