^

Police Metro

Shabu dealer hindi nagpahuli nang buhay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na pi­naghihinalaang big time shabu dealer ang nasawi matapos manlaban sa arresting team ng pulisya nang salakayin ang bahay nito  sa  Mango Avenue Dalliao, Toril District, Davao City kamakalawa.

Ang napatay na sus­pek ay kinilalang si Augustus Caesar Borja, 50-anyos, wanted sa kasong drug pushing.

Batay sa ulat, bandang alas-3:50 ng hapon ay bitbit ng mga otoridad ang search warrant na inisyu ni Regional  Trial Court (RTC) 11 Executive Judge Pelagio Paguican para sa gagawing pagsalakay sa bahay ng suspek.

Gayunman sa halip na sumuko ay bumunot ng baril  ang suspek at pinaputukan ang arresting team na nauwi sa ilang minutong palitan ng putok na  siya nitong ikinamatay.

Nasamsam sa  pag-iingat ng  suspek ang isang  granada, isang  cal. 45 pistol at  iba’t ibang uri ng pampasabog.

Nakuha rin mula rito ang 10 plastic sachet ng shabu, isang improvised tooter P4,000 cash, 9 na pirasong US 1 dollar bills at 2 cellphone.

Nadakip rin ng  mga otoridad ang kapatid ng nasawing suspek na si  Dioscoro  Borja, 44, na nasamsaman naman ng isang cal. 45 pistol na walang lisensya, ibat ibang klase ng bala, 3 plastic sachet ng shabu at ibat iba pang uri ng mga baril.

vuukle comment

AUGUSTUS CAESAR BORJA

BATAY

BORJA

DAVAO CITY

EXECUTIVE JUDGE PELAGIO PAGUICAN

MANGO AVENUE DALLIAO

TORIL DISTRICT

TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with