^

Police Metro

Pinas maging tourism powerhouse sa Asya

Gemma Garcia - Pang-masa
Pinas maging tourism powerhouse sa Asya
Ito ang inihayag ng Pangulo matapos pangunahan ang inagurasyon ng Pagudpud Tourist Rest Area (TRA) sa Saud beach sa Pagudpud, Ilocos Norte kahapon ng umaga.
File

Wish ni Marcos…

MANILA, Philippines — Pangarap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ma­ging tourism powerhouse ang Pilipinas sa buong Asya.

Ito ang inihayag ng Pangulo matapos pangunahan ang inagurasyon ng Pagudpud Tourist Rest Area (TRA) sa Saud beach sa Pagudpud, Ilocos Norte kahapon ng umaga.

Sinabi ni  Pangulong Marcos na matindi ang kumpetisyon ngayon sa turismo at hindi maitatanggi na maganda rin ang performance ng mga katabing bansa ng Pilipinas  pagdating sa turismo tulad ng Thailand, Korea, Vietnam at Indonesia.

Iginiit ng pangulo na sadyang maganda ang Pilipinas subalit kailangan lang ayusin ang ilang bahagi ng turismo dito at dapat din isaalang-alang hindi lang ang magandang tanawin, magandang hotel at magandang resort para mahikayat pa ang mga turista kundi dapat ay maganda at mabilis din ang serbisyo at  maging ang access sa mga tourist destinations.

Dahil dito kaya isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagpapahusay sa mga regional airports para diretso na ang mga turista sa napili nilang destinasyon na hindi na dadaan pa sa Metro Manila.

Inihalimbawa pa niya ang pagkakaroon ng direktang flights sa Cebu, Bohol, Cagayan de Oro, Tacloban at iba pang pinagmamalaki ng bansa bilang tourist destinations.

Ayon sa Pangulo, hindi lang dapat ang mga Filipino ang magsabi ng “We Love the Philippines” kundi maging ang mga dayuhan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with