Obrero nahulog mula 8th floor ng tinatayong gusali
MANILA, Philippines -Idineklarang dead-on-arrival sa Philippine GeneÂral Hospital ang isang 19-anyos na construction worker dahil sa internal hemmorage matapos itong mahulog mula sa ika-8 palapag ng itinatayong gusali kamakalawa sa Paco, Maynila.
Ang nasawi ay nakilaÂlang si Rolan Magdadaro, stay-in sa construction site, na matatagpuan sa Peñafrancia St., Paco.
Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi ay umakÂyat ang biktima at kaÂtrabaho na si Alladin Suan sa ika-8 palapag ng ginagawang gusali.
Habang ikinakabit ng biktima ang hook ng safety belt sa lubid ay tuÂmama naman ang suot na safety hat sa isang makapal na lubid na naÂging dahilan para ito ay mawalan ng balanse at sa kamalasan ay hindi pa man nito naila-lock ang hook ng kaniyang safety belt kaya bumulusok ito pababa at tumama ang ulo sa matigas na bagay bago pa masalo ng safety net na nasa ikalawang palapag.
- Latest















