^

Police Metro

Pinagnakawan pa… UE clerk ni-rape/slay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Natagpuang patay na pinaniniwalang ginahasa ang isang 42-anyos na dalaga, kawani ng University of the East (UE) matapos natagpuang hu­bo’t hubad sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na pinatay sa pamamagitan ng pagsakal ng sinturon ay nakilalang si Rowena Calo, dalaga, senior clerk sa guidance counselor ng University of the East (UE) at residente ng 1064 Negros St., Sampaloc.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si PJ Romero, 29, na nanunuluyan sa katabing kuwarto ng biktima.

Batay sa ulat ng pulis­ya, bago nadiskubreng patay ang biktima dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa sa loob ng inu­upahang kuwarto ay huli itong nakitang buhay ng kapatid na si Rizza dakong alas-7:30 ng umaga na iniwan niya upang pumasok siya sa trabaho.

Gayunman, dakong alas-12:00 ng tanghali nang tinawagan si Rizza ng kasamahan sa trabaho ng kanyang ate at tinatanong kung bakit hindi ito pumasok.

Kinabahan si Rizza kung kaya’t nakisuyo ito sa pinsang si Ronald Aquino na puntahan ang   biktima sa bahay at tanungin kung bakit hindi pumasok.

Nang nakarating si Aquino kasama ang ina ng biktima sa inuupahang kuwarto ay nakakandado ito.

Kaya’t puwersahan nilang binuksan ang pinto at tumambad sa kanila ang walang saplot na bangkay ng biktima na nakatihaya sa kama na may takip ng unan ang mukha na ang leeg ay napuluputan ng sinturon.

Nawawala ang cellphone ng biktima at P15,000 nitong pera.

Sa pahayag sa pulisya ng mga kapitbahay na sina Clint Anthony Bantay at Carolino Samson na kasama nilang nag-inuman ang suspek hanggang sa iwan nila ito na gising pa.

 

vuukle comment

AQUINO

BIKTIMA

CAROLINO SAMSON

CLINT ANTHONY BANTAY

NEGROS ST.

RIZZA

RONALD AQUINO

ROWENA CALO

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with