^

Police Metro

Dalaga kinatay ng lover itinapon sa septic tank

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 22-anyos na da­laga ang walang-awang pinatay ng kanyang lover at pagkatapos ay itinapon ang kanyang bangkay sa septic tank ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Narvaez, Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite.

Ang biktima ay kinilala sa pangalan lamang nitong Jacklyn ng Marikina City habang ang suspek ay ang lover nitong si Antonio dela Rosa, biyudo  na  taga-Marikina City rin na pansamantala lamang naninirahan sa Brgy. Narvaez ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, bandang alas- 3:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa septic tank sa bisinidad ng bahay na tinutuluyan ng mag-lover sa nasabing lugar.

Bago ang krimen ay palagi umanong nag-aaway ang biktima at ang suspek dahilan sa pagiging seloso ng huli na madalas mauwi sa pananakit ng suspek sa nasabing babae.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima noong Marso 10 dakong alas-11:30 ng gabi sa bahay ng suspek at nagtatalo sila at simula umano noon ay hindi na muling nakita pa ang biktima.

Nadiskubre ang krimen matapos na umali­ngasaw ang masangsang na amoy mula sa bakuran ng mag-lover bunsod upang mag-usisa ang mga opisyal ng barangay at residente dito na ipinagbigay alam sa pulisya.

Laking gulat ng mga ito nang madiskubre ang biktima sa naturang septic tank at tadtad ng mga taga at saksak sa katawan.

Narekober ng pulisya ang ginamit na martilyo, kitchen knife at bolo na hinihinalang siyang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

BRGY

CAVITE

EMILIO AGUINALDO

ISANG

JACKLYN

MARIKINA CITY

NARVAEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with