^

Police Metro

Sinibak na obrero rumesbak, foreman inutas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ng isang sinibak na obrero ang kanyang dating foreman sa loob ng tinutulugan nitong barracks sa isang construction site sa Muntilupa City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival sa Cauilan Beslo Hospital sa Barangay Tunasan ay nakilalang si Marvin De Castro, 33, foreman ng Laurel Construction and Design dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na mabilis na tumakas matapos gawin ang krimen ay nakilalang si Mario Loro, 18, dating construction worker ng nasabing kompanya at residente ng Malaking Itlog, Banay-Banay, San Jose, Batangas.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang gapangin ng suspek ang natutulog na biktima sa  barracks sa field office ng kompanya sa Victoria Homes, Barangay Tunasan.  

Kasama pang natutulog ng biktima ang da­lawa pang obrero na sina John Louie Torres, 19, at Kevin Domingo, 21 nang pasukin ng suspek na pinatay muna ang ilaw bago inun­dayan nang sunod-sunod na saksak ang natutulog na biktima.

Kaagad na tumakas ang suspek nang maramdamang nagising na ang dalawang kasamahan ng biktima.

Nabatid na ang suspek ay dating nagtatrabaho sa nasabing construction site subalit sinibak ng biktima sa hindi pa malamang kadahilanan.

vuukle comment

BARANGAY TUNASAN

CAUILAN BESLO HOSPITAL

JOHN LOUIE TORRES

KEVIN DOMINGO

LAUREL CONSTRUCTION AND DESIGN

MALAKING ITLOG

MARIO LORO

MARVIN DE CASTRO

MUNTILUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with