^

Police Metro

Indian trader pumalag sa holdap, inutas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Indian national ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng dalawang holdaper matapos manlaban sa panghoholdap kamakalawa ng gabi sa Brgy. VI-E, San Pablo City, Laguna.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Pan­lalawigang Pagamutan ng Laguna ay kinilalang si Sonil Singh, nasa hustong gulang, residente ng City Subdivision, IB, San Pablo City sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa dibdib.

Batay sa ulat, dakong alas-6:52 ng gabi ay kasalukuyang naglalakad sa lugar ang biktima matapos na maningil sa pautang na 5-6 sa mga may utang sa kanya na residente sa Barleta Subdivision nang harangin ng dalawang suspek.

Nagdeklara ng holdap ang mga suspek, pero nanlaban ang biktima na tumangging ibigay ang pitaka na nag­lalaman ng nasingil nito sa kaniyang negosyong money lending.

Nairita ang mga suspek kaya’t pinagbabaril ito at pagbagsak sa lupa ay puwer­sahang tinangay ang pi­taka na naglalaman ng hindi pa madeterminang halaga, alahas at cell phone.

 Isa naman sa mga suspek ay kinilala sa alyas na “Aba” base sa pahayag ng ilang nakakita sa pangya­yari.

vuukle comment

BARLETA SUBDIVISION

BATAY

BRGY

CITY SUBDIVISION

ISA

ISANG

NAGDEKLARA

SAN PABLO CITY

SONIL SINGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with