^

Police Metro

Misis nagbigti: Inaway ni Mister

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos awayin ng kanyang mister kaya nagawang magpakamatay ng isang ginang na guro sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan si Rosita Cortez, 29, ng Binata St., Bagong Barrio ng naturang lungsod matapos itong magbigti.

Sa pahayag ni Alex Cortez, 40, asawa ng biktima, umalis siya kahapon ng umaga sa kanilang bahay na may tampuhan sila ng misis niyang si Rosita matapos silang mag-away.

Ayon kay Alex, nakatanggap siya ng text message dakong alas-10:00 ng umaga mula kay Rosita na nagsasabing magpapakamatay ito kaya mabilis siyang umuwi pero hindi na nito dinatnan ng buhay ang kanyang misis na nakabigti sa loob ng bahay gamit ang pantyhose.

Sinabi pa ni Alex, ilang beses nang nagtangkang magpakamatay ng kanyang misis sa tuwing sila ay nakakatampuhan suba­lit naaagapan lamang.

Sa ngayon  ay  inaalam pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagka­matay ni Rosita.

 

vuukle comment

ALEX

ALEX CORTEZ

AYON

BAGONG BARRIO

BINATA ST.

CALOOCAN CITY

ISA

MATAPOS

ROSITA

ROSITA CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with