^

Police Metro

Mga ‘kasalanan’ at ‘seksuwalidad’ ni Lacson ibubuko ni Miriam

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinawag ni Sen. Panfilo Lacson na “lunatic idea” ang ipinapahiwatig ni Sen. Miriam Defensor Santiago na isa siyang bading.

Ito ang inihayag ni Lacson sa banta ni Santiago na may pasasabugin laban sa kanyang mga kasalanan at seksuwalidad.

Nabatid na nagbanta si Santiago nang maka­panayam sa  radyo (Radyo Inquirer 990AM) na dapat paghandaan ni Lacson ang kanyang mga ibubunyag na maaari niyang gawin sa pagbabalik ng sesyon lalo  pa’t mayroon siyang ‘parliamentary immunity’.

Tinawag pa niyang “Pinky” Lacson ang senador na magtatapos na ang termino sa Senado.

“Maghanda ka. Dahil mayroon akong parliamentary immunity. Ibubulgar ko lahat ng kasalanan mo. Pati ang sexuality mo,” sabi ni Santiago.

Nagbanta pa si Santiago na idedemanda niya ng libel si Lacson kapag sumagot ito sa kanya lalo pa’t mawawala na ang kanyang parliamentary immunity kapag hindi na ito senador.

Matatandaan na ibinunyag ni Lacson na ginagamit ni Santiago ang pondo ng Senado sa pag-renta sa sarili nitong building.

Nangako si Santiago na sasagutin ang lahat ng mga isyu ni Lacson laban sa kanya at ibubunyag din ang mga kasalanan ng senador.

vuukle comment

DAHIL

IBUBULGAR

LACSON

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

PANFILO LACSON

RADYO INQUIRER

SANTIAGO

SENADO

TINAWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with