^

Police Metro

Ginang pinatay sa bahay, CCTV tinangay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 48-anyos na ginang na natagpuang nakabulagta sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City kahapon ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Elena Baladad, ng #5 Mather Ignacia St., corner Ojeda. Brgy. Paligsahan ng lungsod.

Batay sa ulat, pasado alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng ginang ng pinsan nitong si Francis John Sabariaga.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na malaki ang hinala na kilala ng biktima ang salarin dahil sa walang nakitang force entry sa loob ng bahay nito.

May CCTV sa loob ng bahay, subalit nawawala ang digital recording nito na indikasyon na ninakaw ng salarin para hindi siya makilala.

Isang kalibre 38 baril ang nakita  sa nasabing lugar, subalit inaalam pa kung ito ang ginamit sa pagpatay sa biktima.

 

vuukle comment

BAHAY

BATAY

BRGY

ELENA BALADAD

FRANCIS JOHN SABARIAGA

ISANG

MATHER IGNACIA ST.

OJEDA

PALIGSAHAN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with