^

Police Metro

Tsuper ng dyip dedo sa tauhan ng MMDA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa San Juan De Dios Hospital ang isang 44-anyos na jeepney driver matapos itong saksakin sa dibdib ng isa umanong tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang biktima ay nakilalang si Johnny Villaruel, 44-anyos, may-asawa, at residente ng no. 49 Pinagkaisa St., New Lower Bicutan, Taguig City.

Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakila­lang si Arnulfo Ferrer, 36, ng no. 351 Apitong St., Brgy. Comembo, Makati City.

Sa salaysay ng  saksing si Jocelyn Balberona, street sweeper, sa Pasay City Police, dakong alas-3:20 ng madaling araw sa tapat ng EDSA sa tapat ng Guanzon Motors ay ipinarada ni Villaruel ang kanyang jeep sa tabi sa kabila na bawal ito at naidlip.

Ilang minuto ang nakakalipas ay dumating ang suspek at galit na ginising sa sampal ang biktima.

Naalimpungatan ang biktima at bumaba ito ng jeep, subalit hinabol  siya ng suspek at ng  makorner ay sinaksak ito sa dibdib.

Nakita ng suspek si Balberona na nakatingin sa kanya kaya’t hinabol ito na nagawang makapagtago sa loob ng isang bar sa EDSA.

Ang biktima ay isinugod ng kapwa driver sa nasabing ospital, subalit namatay ito sa daan.

 

vuukle comment

APITONG ST.

ARNULFO FERRER

GUANZON MOTORS

JOCELYN BALBERONA

JOHNNY VILLARUEL

MAKATI CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NEW LOWER BICUTAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with