^

Police Metro

Sinakal at Pinainom ng lason 2 anak pinatay, tatay nagpakamatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay muna ang da­lawang anak bago tulu­yang nagpakamatay ang isang ama sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa loob ng kanilang ta­hanan sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jacinto de Guzman, alyas “Jessie” 38, at mga anak na sina Jennifer, 16; at Jeramil, 17, pawang residente ng  #2411 Leonor Rivera St., Sta. Cruz, Maynila

Sa ulat ni PO3 Paul Dennis Javier, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ni Gng. Editha de Guzman na patay na ang kaniyang pamilya.

Bumubula ang bibig ng mag-amang sina Jacinto  at Jennifer, na magkatabi sa kama, dahil sa lason o silver cleaner na ininom habang si Jeramil naman ay wala ding buhay sa lapag, na may mga pasa sa katawan at may tama ng matigas na bagay sa ulo, na hinihinalang ikinasawi nito.

Si Jennifer naman umano ay may mga gasgas sa leeg na hinihinalang sinakal pa.

Sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong sapilitang pinainom ng silver cleaner ang dalagita bago nagpakamatay sa pamamagitan din ng pag-inom ng nasabing kemikal ang ama nito.

Lumitaw din sa pagsisiyasat na isang  pinsang lalaki, 9-na taong gulang na nakatira din sa nasabing bahay ang nakarinig ng  pagmamakaawa  at  iyak  ni Jennifer  na noon ay nasa ikalawang palapag ng apartment ang mag-aama.

 

vuukle comment

CRUZ

GUZMAN

JACINTO

JENNIFER

JERAMIL

LEONOR RIVERA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with