^

Police Metro

2 kaso ng mag-asawang Claudine at Raymart vs Mon Tulfo ibinasura

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Pasay City Prosecutor’s Office ang kasong physical injuries at child abuse na isinampa ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto laban kay Mon Tulfo kaugnay sa nangyaring bugbugan sa NAIA Terminal 3 noong Mayo ng nagdaang taon.

Sa apat na pahinang resolusyon ni Senior Assistant City Prosecutor Manuel Loteyro, ibinasura ang naturang mga kaso laban kay Tulfo dahil na rin sa walang makitang sapat na ebidensiya na magdidiin sa kanya sa kaso.

Sinabi ni Loteyro na hindi maaaring sampahan ng kasong child abuse si Tulfo dahil sa ilalim ng batas na lumikha nito, maaari lamang kasuhan ang isang tao kung ang pananakit sa bata, ma­ging ito man ay pisikal o psychological ay dapat na sinadya, direkta at may paghahangad.

Hindi rin kinatigan ng piskalya ang akusasyon ng mag-asawang Santiago na sinaktan sila ni Tulfo nang tanungin lamang nila kung bakit sila kinukuhanan ng larawan.

 Sinabi ni Loteyro na napaka-imposible para sa isang senior citizen na kaagad na mananakit ng kapwa dahil lamang sa isang hindi nakakainsultong tanong.

Nauna dito, ibinasura rin ni Pasay City Prosecutor Theresa Purzuelo ang kasong physical injury, grave coercion at oral defamation na isinampa naman ni Tulfo laban kay Claudine, suba­lit inirekomenda naman ang paghahain ng kasong physical injury laban kay Raymart at sa kamasahan nilang si Eduardo Atilano na nakita sa video footage na sumusuntok sa mamamahayag.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETO

EDUARDO ATILANO

LOTEYRO

MON TULFO

PASAY CITY PROSECUTOR

PASAY CITY PROSECUTOR THERESA PURZUELO

RAYMART SANTIAGO

SENIOR ASSISTANT CITY PROSECUTOR MANUEL LOTEYRO

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with