^

Police Metro

Trader na bagong withdraw sa ATM, utas sa holdap

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umabot sa P100,000 ang na-withdraw ng isang negosyante sa ATM machi­ne bago ito nilapitan ng da­la­wang holdaper na sakay ng motorsiklo at hinoldap at pinagbabaril kahapon sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Jesus Gamba, 44-anyos, may-asawa ng Polo St., Dela Costa Homes II Subdivision, San Jose Del Monte, Bu­lacan. 

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:45 ng umaga ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang ito ay sundan ng dalawang suspek na sakay din ng motorsiklo.

Pagdating sa harap ng isang bahay sa no. 6 J. Aquino St., kanto ng Sto. Do­mingo St., Brgy. Bali­ngasa ay biglang sumulpot ang mga suspek at hinarang ang daraanan ng biktima saka bumaba ang backrider bitbit ang baril at tinutukan ang huli.

Nang kukunin ng suspek ang dalang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng pera ay nanlaban ito, dahilan para sipain siya at mahulog sa kanal at saka pinagbabaril.

Nabatid na ang nasabing salapi na nakuha ng mga suspek ay winidraw ng biktima gamit ang may 50 piraso ATM cards sa may  Allied ATM machine na matatagpuan sa Grace Village, Brgy. Balingasa sa lungsod.

Ang nasabing 50 pirasong ATM cards ay mula sa mga kawani ng isang kum­panya na nagsasanla sa biktima ng kanilang ATM cards bilang collateral para makautang ng pera.

Mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang bag ng biktima na naglalaman ng naturang halaga ng pera, patungo sa Sto. Domingo St.

vuukle comment

AQUINO ST.

BIKTIMA

BRGY

DELA COSTA HOMES

DOMINGO ST.

GRACE VILLAGE

JESUS GAMBA

POLO ST.

QUEZON CITY

SAN JOSE DEL MONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with