^

Police Metro

Pacquiao hindi na nagsimba sa Quiapo Church

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung noon kapag umu­uwi ng Pilipinas si Pambansang Kamao matapos ang kanyang laban sa Las Vegas, Nevada ay ugali na nito na dumidiretso sa Quiapo Church para magsimba na hindi nangyari kahapon.

Ayon sa mga taong nag-aabang, doon na lamang nila inaabangan ang idolong si Pacman sa tuwing uuwi ito ng bansa matapos ang laban subalit hindi nila ito nasilayan.

Nabatid na mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay dumiretso na sa Midas Hotel si Pacquiao at abala pa umano ito dahil may show na naka-schedule sa Mall of Asia kahapon ng alas-3:00 ng hapon.

Matatandaang matapos matalo sa naging rematch kay Mexican boxer Juan Miguel Marquez ay umani siya ng iba’t ibang komen­to lalo na sa mga Pinoy at mismong inang si Dionisia Pacquiao, na nagsabing ang pagpapalit nito ng relihiyon, pagbitbit ng rosaryo hanggang sa ring at pagku-krus na ritwal bago ang laban ay iniwan na nito.

 

vuukle comment

AYON

DIONISIA PACQUIAO

JUAN MIGUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MALL OF ASIA

MATATANDAANG

MIDAS HOTEL

NABATID

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PAMBANSANG KAMAO

QUIAPO CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with