^

Police Metro

Trader pinagbabaril ng inaayawang suitor ng anak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyante at tatlo nitong kasamahan ang nakaligtas sa kamatayan matapos na ambusin ng isang grupo ng armadong kalalakihan kabilang ang isang manliligaw ng anak ng isa sa mga biktima, ka­ma­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita si Tris­tan Tracy Ferrer, 30, residente ng  Reginaldo St. Brgy.Pio Del Pilar, Makati City na siyang nagmamaneho ng Nissan Urvan (PLO) 562) habang galos lamang ang natamo ni Joel Borja, 42 ng City Homes, Bacoor Cavite. Habang ang dalawa nilang kasama na sina Bryan Garcia, 32, Kelvin Barrenechea, 25, ay isinugod sa San Juan De Dios Hospital.

Kinilala naman ng biktimang si Borja, ang isa sa mga tumambang sa kanila na si Ciriaco Joseph Garcia III, na masugid na manliligaw umano ng kanyang anak na dalaga.

Batay sa ulat, dakong alas-10:16 ng gabi nang pagbabarilin ang mga biktima sa Sta. Escolastica St., malapit sa service road ng Roxas Boulevard ng mga salarin lulan ng isang Toyota Camry.

 Sa kabila ng tinamong tama sa hita, nagawa namang mai-atras ni Ferrer ang sasakyan hanggang bumangga ito sa isang nakaparadang motorsiklo. Tumakas ang mga suspek patungo ng Gil Puyat matapos ang pamamaril.

Ayon kay Borja na mahigpit siyang tumututol sa panliligaw ni Garcia sa kanyang anak at walang duda na siya ang target ng mga ito.

Idinugtong pa ni Borja na bago naganap ang pananambang, ilang ulit na nakakatanggap ng pagbabanta mula kay Garcia ang kanyang asawa habang ilang beses rin niyang naispatan ito na sinusundan siya.

 

vuukle comment

BACOOR CAVITE

BORJA

BRYAN GARCIA

CIRIACO JOSEPH GARCIA

CITY HOMES

ESCOLASTICA ST.

GARCIA

GIL PUYAT

JOEL BORJA

KELVIN BARRENECHEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with