^

Police Metro

Trader nanlaban sa holdap… Alahas palit buhay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang pinagpalit ng isang 62-anyos na negosyanteng Tsi­noy ang kanyang buhay sa mga dalang alahas nang ayaw niyang ibigay sa mga holdaper kaya’t siya ay pinagbabaril naga­nap kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Lourdes Hospital dahil sa 5 tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Leo­nardo Chua, ng Junction 4 Balzain-Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan at pansamantalang nanunuluyan sa isang kamag-anak sa Aliw-iw St., Sta Mesa, May­nila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas 7:15 ng umaga sa Aliw-iw St. ng nasa­bing lugar ay nakaparadang bukas ang pintuan ng kulay pulang   Nissan Patrol (BCT 678) ng biktima nasa loob at hinihintay  ang kanyang driver.

Ilang sandali ay dumating ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang lalaki.

Dito ay bumaba ang naka­angkas at lumapit sa biktima at nagdeklara ng holdap.

Tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P90,000 kaya ito ay binaril.

Tumakas ang mga suspek sa isang kulay pula at kumbinasyong itim na motorsiklo.

vuukle comment

ALIW

BALZAIN-PENGUE RUYU

CHUA

DITO

ILANG

LOURDES HOSPITAL

MAYNILA

NISSAN PATROL

STA MESA

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with