^

Police Metro

Sekyu dedo sa 2 holdaper

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang security guard, matapos pagbabarilin ng dalawang holdaper na nanloob sa binabantayang convenience store ng biktima sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Agad na nasawi si Reynaldo Guiatao, 30, binata ng #12 Orion St., Dela Costa Homes II, Paligsahan sa lungsod dahil sa tinamong tama ng bala sa sikmura at leeg.

Nabatid mula kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong ala-6:00 ng umaga  sa 7/11 convenience store sa Quezon Avenue, corner Scout Reyes sa lungsod.

Ayon sa report, nagkunwaring costumer ang isa sa dalawang hindi pa kilalang suspek at agad na dumiretso sa cashier na si Nelia Nebrida at nagdeklara ng holdap.

Agad namang sumaklolo ang biktima at aktong binubunot nito ang kanyang service  firearm nang barilin naman siya ng isa pang suspek.

Bago tumakas ang dalawa tangay ang hindi pa batid na dami ng pera ay muli pa nilang binaril ang biktima nang makitang buhay pa ito at kinuha ang kanyang service firearm.

vuukle comment

AYON

DELA COSTA HOMES

NABATID

NELIA NEBRIDA

ORION ST.

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

REYNALDO GUIATAO

ROLDAN CORNEJO

SCOUT REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with