^

Police Metro

Utol dedbol kay kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sinasad­yang mapatay ng isang kuya ang bunsong kapatid matapos na pumutok ang baril na garand rifle na kanyang tinutok upang takutin lang ito sana matapos silang magkaroon ng mainitang pagtatalo naganap kamakalawa sa Brgy. Ka­yaga, Kabacan, North Co­tabato.

Hindi na umabot ng buhay sa University of Southern Mindanao Hospital ang biktima na kinilalang si  Smith Sangkupan, residente ng Sitio Agfa, Brgy. Kayaga, Kabacan  sanhi ng tinamong isang tama ng bala sa dibdib.

Kusang sumuko ang suspek sa pulisya na kinilalang si Angelito, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat ng North Cotabato Police, bago naganap ang insidente bandang alas-9:40 ng umaga ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid sa isang bagay na hindi nabanggit.

Sa gitna ng bangayan ay itinutok ng suspek ang kaniyang garand rifle upang takutin lang umano ang kapatid, subalit hindi sinasadyang nakalabit umano ang ga­tilyo at pumutok na sumapul sa dibdib ng ka­patid.

Ang suspek ay naha­ha­rap sa kasong parri­cide.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

KABACAN

KAYAGA

NORTH CO

NORTH COTABATO POLICE

SHY

SITIO AGFA

SMITH SANGKUPAN

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with