ASICS Meta: Time Trials kasado na sa October 19
MANILA, Philippines — Makikilatis ang mga tigasing runners sa Pilipinas sa pag-arangkada ng ASICS Meta: Time Trials sa Oktubre 19, 2025 na gaganapin sa Vermosa Sports Complex sa Imus, Cavite.
Bukas sa lalaki at babae na may edad 16-year-old pataas, ang nasabing unang competition sa Pilipinas ang magbibigay ng inspirasyon sa mga runner para habulin ang kanilang personal records sa 10km road race.
Unang naisagawa ang kompetisyon sa Malaga, Spain noong 2022, kung saan ang Meta: Time Trials ay mabilis na nagustuhan ng mga runners at pagkatapos ng matagumpay na editions sa Thailand at Malaysia ay dinala ng organizers ang laro sa Pilipinas
“Now that it’s here in the Philippines, its success underscores the event’s potential within our local running talent and were excited to see more personal best set here right in our home ground,” ani SONAK Brand Communication Executive Diego De Dios noong Martes sa Philippine Sportswriters Association Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Inorganisa ng Sunrise Events, Inc., taas noong ipinangako na magde-deliver ang Philippine leg ng world-class racing experience.
At sa suporta ng Sonak Trading, ang official distributor ng ASICS sa Pilipinas, umaasa ang organizers na aabot sa 3,500 participants mula sa mga elite athletes at seasoned runners at beginners ang sasalang sa nasabing karera.
- Latest





















